“KALARO” hindi Kalaban

Isang matagumpay na Sportfest o tinatawag na Friendship Games ang ginanap sa Malolos Sport Complex, Malolos Bulacan nitong June 23-26,2017 na pina ngungunahan ng Central Luzon Conference Youth Department, na may theme na “KALARO” na ang ibig sabihin ay ” Kabataang Adventista Lumalarong Aktibo, Responsable at Organisado”.

Ito ay taonang ginaganap upang pagkaisahin, magpalakasan sa spiritual at sa sports, magkaroon ng fellowship at pagtibayin ang samahan ng mga kabataan ng buong Central Luzon Conference.

Ang Central Luzon Conference ay merong Area 1 upto 11(from Nieva Ecija down to Cavite). Ang friendship games ay merong 11 teams na maglalaro.

Layunin ng Conference ay magkaroon ang kabataan ng kasiglahan hindi lamang sa spiritual pati na rin sa sports upang sa kaparaanang ito mapanatili ng mga kabataan ang malulusog,malalakas at masigla na pangangatawan.
This friendship games is not a true competition, they played just to gain friends and enjoy the game. In fact, during the event, the youth are not allowed to say “kalaban” but instead “kalaro”. If they will say “kalaban”, there will be a “minus points”.

Ang Friendship games na ito ay naglalayong mapabuti ang mga kabataan.
Ang pinakamasaya dito ay hindi lamang mga major games ang mga laro, merong mga “Larong Pinoy” na hindi na nilalaro ng kabataan ngayon. 

Masaya ang mga kabataan na laking Maynila na hindi pa nakaranas ng mga “larong pinoy”. 

Napakasaya ng mga karanasan ng makalaro ang kapwa kabataang Adventista. Nagkakaroon ng mga bagong kaibigan at nagpapalakasan ng pananampalataya sa bawat isa.

Ito ang ang ilan sa mga laro.

Organized games: Basketball,volleyball,Badminton,Table Tennis,Lawn Tennis,Sepak Takraw,Swimming(backstroke,free style,sisid,patagalan), Track and field((50,100,400),relay(4×50,4×100),1500km),Standing Long Jump,Running Long Jump,Football,Dart.

Minor games: Obstacle race,patintero,sack race,blind race,siato,sipa,tag of war,heaven and earth.

Board games: Dama,Chess,Games of the Generals,Word Factory,Scrabble,Rubix cube

11 Stations: Limbo rock,Chinese garter,Bowling,Fast break,Free throw(3points),Jumping rope,Holahop

Others: Bible Quiz,Knot tying,bandagging

CLC wide Friendship games 2017 was a successful event for the youth.

To God be the glory!

Isang matagumpay at masayang laro para sa kabataan ng #Area 8,  #Kalaro pa more!

Theme song:

PARA SA DIYOS

Sa mundong ibabaw
Tungkulin sati’y pinataw
Pag-ibig ng Diyos ay ihayag
Kabutihan Niya ay itanyag

KORO:
K – Kabataang
A – Adventista
L – Liwanag ay ating itanglaw
A – Aliwin pusong sawi. Maging
R – Responsable sa gawain
O – Oras ay ‘wag sayangin

Lakas at talento
ay ating gamitin
Kaalaman ay ating ibahagi
Upang sa Diyos magbigay puri

*Ulitin ang Koro 2x

Ngayon ang panahon
Tumindig ka para sa Diyos
@KabataanngCLC

Advertisements

For this reason, ever since I heard about your faith in the Lord Jesus and your love for all God’s people. I have not stopped giving thanks for you, remembering you in my prayers.-Ephesians 1:15-16

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s