Sulat ng Probinsiyanong Binata sa Dalagang Manilenya

Dear: ___________

Kaming mga probinsiyano kahit hindi kami gwapo, marunong kaming mag buko, kahit ang balat namin ay parang bunot, kapag kami naman ay nagtrabaho siguradong pulido.

Pagbubunot

Minsan kami ay talo sa itsura ng mga manilenyo pero hindi kami papatalo pagdating sa pagtratrabaho, oi mga babae panatiko sa mga gwapo, mapapakain ka ba niyan ng gusto mo.

Kami ay nananawagan na kami ay tularan, mga lalaking matitipono at hindi kailangan mag pa gwapo. Ang kasipagan lang ang aming puhunan.

Sipag sa pagbubuko

Kami ang probinsiyano, probinsiyanong pagmamahal at pagsuyo sainyo ay ibibigay sapagkat ito ang aming alam, kaya wag niyo kaming sabihan na makaluma dahil sinusunod lang namin ang aming mga magulang.

Kapag kami ay nanligaw dinadaan sa sulatan at sa pag papaalam sa magulang, bigo man kami palagi pag dating dyan, pero lagi naman kaming maasahan ng aming mga magulang pag-dating sa mga trabahong pang palakasan ng katawan, maraming mga kalalakihan sa mundo ng showbiz ang kagwapuhan ang basehan ng katikasan ng katawan, di nila alam sa bukid, sa budok, sa dagat, ang tunay na laban ng pampalakasang kakisigan.

Marami saming mga probinsiyano hindi makapag-aral dahil binibigyang sikap ang mga kapatid ay pag-aralin ang mga kapatid sa kabayanan. Kaya minsan kami ay tumatandang mahirap makahanap ng babaeng liligawan dahil sa kami’y nalipasan na ng araw ng aming kabataan.

Awit ng pagsuyo

Kaya minsan kapag kami’y nanligaw ay agad nilalayuan dahil sa amoy, mukha at kutis naming parang tamaraw, dahil sa bukid ang aming kasama ay kalabaw.

Marami sa ating mga kababaihan sa ibang bansang mga kalalakihan ang kinahuhumalingan at d sariling kabinatahan ang hangaan, ang dapat hangaan mga kababaihan mga lalaking marunong mag-banat ng sariling kalakasan, hindi sa dinadaan lang sa kapogian kaya naman kilalanin ng masinsinan ang lalaking inyong napupusuhan, baka naman pumunta kayo sa kabukiran at kabundukan baka mauna pa saiyo na tumakbo yan kapag nakakita ng alakdan. Simula ng sumikat ang mundo ng papogian kaming mga probinsiyano ay nabalewala na aming mga kakisigan, kaya naman maraming mga bayan at mamayan ang nakakaranas ng kagutuman dahil narin sa katamaran. Iniisip ang kayaman ay matatagpuan sa kabayanan!

Probinsiyano man kami sa puso at gawa, mapagmahal kami sa aming pamilya dahil alam naming kung paano pahalagahan ang aming mga magulang, pinalaki kaming kasama ang aming mga kapatid, pinsan sa kabukiran, ang aming mga laruan ay insekto sa aming bakuran, aming naging libangan ang pag tirador sa mga ibon, naging libangan din namin ang pamimingwit sa malalayong ilog na kung saan inaabot ng gabi sa pag uwi sa tahanan. Sa aming pag laki sa kabukiran ang aming takbuhan at tagutaguan ay sa mga malalaking punong at damuhan, kami rin naman nakaranas ng mga laruan truck truckan, yung nga lang ito ay sarili naming gawa. Kaya lumaki kaming mga probinsiyano na malapit sa aming kapatid at pinsan dahil sa aming baryo ay kami lang magkakaibigan, kaya nga kahit kami’y magkalayo man ng landas kapag kami’y lumaki ang aming pinagsamahan ay punong puno ng kalokohan, na kung saan ang aming lola’t lolo kami’y d malilimutan sa kalikutan.

Malaki din ang impluwensiya nang aming magulang sa aming pag laki  bilang isang kabataan dahil tinuraan kaming magtrabaho sa bahay at kabukiran kaya kahit saan kami ilagay kami’y maasahan pag dating sa kasipagan. Nais din namin ipamana sa darating naming pamilya at nais naming ito ay sa probinsiya namin manahan, kaya pag dating sa aming pamilya, kapwa at kalikasan kami’y mapagmahal dahil alam namin ang lahat ng ito’y bigay at gawa ng Diyos na mapagmahal sa lahat, kaya natuto kaming mag-mahal ng tapat. Higit sa lahat pagmamahal sa Diyos ang kailangan, upang masunod natin ang Kaniyang banal na kalooban.

Sinulat ni Harris Dave Viernes Amatorio isang binatang probinsyano.

https://www.facebook.com/harrisdaves.amatorio?fref=ts

 

Advertisements

For this reason, ever since I heard about your faith in the Lord Jesus and your love for all God’s people. I have not stopped giving thanks for you, remembering you in my prayers.-Ephesians 1:15-16

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s