Ang Probinsyanong Binata

Probinsiyano man sa kabayanan ang kaugalian ay hindi namin kinalimutan, ugali at payo ng aming magulang ay aming paring taglay. Kaya minsan kami ay sentro ng tuksuhan sa gitna ng kabayanan dahil sa aming makalumang pananamit na damit pang kabukiran dahil iyon ang aming naka sanayang sa aming bayan.
Marami saming mga probinsiyano ay nauubos na dahil sa epekto ng kabayanan ay nasa aming mga kaisipan narin, marami sa amin iniwan ang probinsiya para mag trabaho sa kabayanan upang maging matagumpay, para pagbalik sa lupang sa amin kami ay may mauuwing pera para sa aming ina’y at ita’y. 


Marami saming umuwi sa aming sariling bayan para magsikap na maitaguyod ang sarili naming probinsiya ang pagtatanim, ng saging, buko, mais, palay ang siyang naming libangan, bagama’t mataas ang pinag aralan, kailangan mag sikap upang ang aming mga produkto dito sa probinsiya ay umabot sa kabayanan. Dahil iniisip namin ang kapakanan ng aming bansa na mapag-lingkuran. Kaya panawagan sa mga probinsiyanong iniwang ang kanyang bayan para magtrabaho sa kabayanan na kung saan malawak ang kalupaan, d tulad sa kabayanan na ang tanging makikita ay kabahayan, na kung saan malayo sa tunay na kinalakihan.

Simula ng sumikat ang mundo ng papogian kaming mga probinsiyano ay nabalewala na aming mga kakisigan, kaya naman maraming mga bayan at mamayan ang nakakaranas ng kagutuman dahil narin sa katamaran. Iniisip ang kayaman ay matatagpuan sa kabayanan!.

Ang mga kabukiran ay malawak binigay ng DIYOS sa tao upang taniman at sakahan, upang tayo ay magkaroon ng makakainan at lilungan, dahil sa kaunlaran at gustong paigtingin ang mga kabayanan ang aming mga kabundukan ay niyapakan ng mga mayayamang mga taga kabayanan, sariling pang interest ang pinairal kaya marami saming mga kabundukan ay na sira at naging walang kabuhayan. Na kung saan kami sanang mga taga probinsiya ay siyang dapat makinabang sa yaman ng aming kalupaan. Marahil lingid sa inyong kaalaman kami din naman ay mayaman sa sarili naming kasihan pag dating sa aming kabukiran. Saan ba galing ang mga kinakain ninyong mga bigas at mga gulay na inyong inaangkat, diba sa probinsiya na malawak ang kalupaan!. Kaya naman aming mga pakiusap saming mga kababayan na mahalin ang sariling bayan upang maingatan ang sariling yaman.

Probinsiyano man kami sa puso at gawa, mapagmahal kami sa aming pamilya dahil alam naming kung paano pahalagahan ang aming mga magulang, pinalaki kaming kasama ang aming mga kapatid, pinsan sa kabukiran, ang aming mga laruan ay insekto sa aming bakuran, aming naging libangan ang pag tirador sa mga ibon, naging libangan din namin ang pamimingwit sa malalayong ilog na kung saan inaabot ng gabi sa pag uwi sa tahanan. Sa aming pag laki sa kabukiran ang aming takbuhan at tagutaguan ay sa mga malalaking punong at damuhan, kami rin naman nakaranas ng mga laruan truck truckan, yung nga lang ito ay sarili naming gawa. Kaya lumaki kaming mga probinsiyano na malapit sa aming kapatid at pinsan dahil sa aming baryo ay kami lang magkakaibigan, kaya nga kahit kami’y magkalayo man ng landas kapag kami’y lumaki ang aming pinagsamahan ay punong puno ng kalokohan, na kung saan ang aming lola’t lolo kami’y d malilimutan sa kalikutan.

Malaki din ang impluwensiya nang aming magulang sa aming pag laki  bilang isang kabataan dahil tinuraan kaming magtrabaho sa bahay at kabukiran kaya kahit saan kami ilagay kami’y maasahan pag dating sa kasipagan. Nais din namin ipamana sa darating naming pamilya at nais naming ito ay sa probinsiya namin manahan, kaya pag dating sa aming pamilya, kapwa at kalikasan kami’y mapagmahal dahil alam namin ang lahat ng ito’y bigay at gawa ng Diyos na mapagmahal sa lahat, kaya natuto kaming mag-mahal ng tapat. Higit sa lahat pagmamahal sa Diyos ang kailangan, upang masunod natin ang Kaniyang banal na kalooban.

 

Sinulat ni: Harris Dave Viernes Amatorio

Advertisements

For this reason, ever since I heard about your faith in the Lord Jesus and your love for all God’s people. I have not stopped giving thanks for you, remembering you in my prayers.-Ephesians 1:15-16

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s